MEGGIE

Simple girl with big dreams. Fashion is my passion. I want to travel the world. Paris is my dream destination! <3

haponita:

Gutson’s.

Niyaya lang ako ni Jorens na sumama sa kanilang magbabarkada. Inom, billiards, tambay. Syempre dahil treat lang ako ng mokong na’to pumayag ako and niyaya ko din si Meggie na sumama na din. Si Meggie yung nakagreen. Ayaw pa sana niyang sumama kasi nandun yung ‘lalaking minamahal niya pero manhid’ hahaha! (sorry potch kung nasabi ko ito) nararamdaman ko yung nararamdaman niya kagabi. Yung tipong may kasamang iba yung mahal niya. Shett. Worst scenario ever! Kaya naman todo chika ko lang siya and advicechuchu kahit na alam kong nasa sa kanya parin ang desisyon kung move on na ba or what. Pero sana kagabi natauhan ka na. Maganda ka, mabait, walang kasing bait, walang arte and go lang sa lahat ng trip, napagkakatiwalaan kaya naman you deserve someone better potch. Just wait, just be patient. May mga bagay din akong nasabi sayo kagabi na hindi na dapat sabihin, na saakin nalang dapat pero magaan ang loob ko sayo. Mapagkakatiwalaan ka. Kahit na hindi tayo laging magkasama sa school kahit na magkaiba tayo ng grupo, magaan talaga ang loob ko sayo.

 

Anyway, si Jorens yung nasa gitna namin ni Meggie nagkagusto siya dati sakin pala. HAHA abnormal na to. Kaya pala ang bait bait sakin manlibre and all yun pala may tinatago. Chos. Pero aaminin ko, okay si Jorens pero hindi ko siya kayang mahalin or what haha may ganun talaga na pag mas feel mong magkaibigan kayo, kaibigan lang talaga. So yun..tanggap naman niya and mabait parin siya, walang nagbago. Yun ang gusto ko.

Then after mag Gutson’s sinundo ako and nagmilktea lang kami saglit ni UY-UY, then hinatid na din ako dito sa bahay ng pinsan ko. Andito parin ako. Katamad umuwi. Mamaya na.

  1. brigettemeggie reblogged this from haponita
  2. haponita posted this